december 11, 1:40 am
victor: —, kadarating lang dito sa barracks. salamat ng marami sa suporta at tyaga sa akin. nagbunga lahat ng sakripisyo mo sa akin. - —- —. gusto ko na umuwi.
w: congratulations! ang saya-saya. napasigaw ako nung mabasa ko pangalan mo. kanina pa kasi ako nag-aantay ng result. lam mo di ko alam event mo kanina. akala ko road ulit ng umaga. dasal na ako. nagtataka ako bakit hapon na di ka pa txt. check ko sked dun ko lang nakita event mo. kaya dasal ulit.
victor: epektib talaga. lam mo ba 2x ko sila inoverlap. kala ko nga madadaya pa kami. tuwang-tuwa si sir at mam lina kasi nasakto na andun nanonood. tomorrow alfie battle for gold and silver. (more…)

November 14, Wednesday. Matagal-tagal din ako hindi nakapagpost. Sa totoo, bad trip kasi ako. Nabura pa ang ibang posts ko na reserve about sa convention sa UST, at yung original na bad trip nung undas. Hindi pa kasi naupload yun ng webmaster dahil antay pa ako ng ibang pics. Balik ako muna ulit sa Word sa pagtype o kaya sa papel na muna. Pero hindi yun ang dahilan ng ka badtripan ko. (more…)

I was often asked kung ano ang secret ko sa training lalo na sa itt. Wala naman talaga. I just plan ahead. Yun lang. I plan ahead. At kasama na din dun yung daily diary. Importante talaga yun diary para may basehan ako ng progress sa training. Para kung ano man ang mangyari, madaling mababalikan kung ano man ang mga ginawa ko. Sa diary ko din sinusulat kung ano ang goal sa pagtetraining, ang mga targeted time, at iba pang stats. At hindi maiiwasan, may math at science talaga na kasama sa pagset ng goal at strategy. Madalas ito nagagamit sa itt at sa mga event sa track dahil oras ang kalaban. Ang sariling oras ay dapat ibase sa oras ng kalaban. Kailangan macompute ang oras, speed, at acceleration para malaman ang dapat gawin sa actual na karera. Maaari kasi na mangyari na mabilis na ang takbo para sa sarili pero mabagal pa pala kung ikukumpara sa kalaban. Para sa massed start naman, ang math and science din ang ginagamit para malaman ang estimated time of arrival, ang estimated time difference ng break away sa mga chasers, at ang possibility na abutin pa ng peloton o ng kung sino man naghahabol ang mga leader, ang possibility na mapalitan pa ang leaders sa karera sa time bonuses o sa points sa iba pang categories. Simple lang naman ang computations at hindi naman masyado nakakalito. Hindi ko akalain na yung inaayawan kong math at science noong high school ay magagamit pala sa ensayo at karera. Madali lang naman tandaan. (more…)
Sept 14, Friday. I went to Philippine Center for Sports Medicine in Rizal Memorial Complex to have a medical exam for the SEAGames in December. All athletes from different events that will participate in SEAG were required to undergo a series of physical examinations and answer questionaires. During my younger years, tinatago ko kung ano man ang mga masasakit sa akin kapag physical examinations. Dinedeny ko pag may nahawakan na masakit o makitang problema. Ayoko kasing malaman o ma-confirm na may injury na pala ako. Parang hindi pa ako handa noon na tanggapin ang mga weaknesses ko. At ayoko rin na magpabalik-balik pa para sa mga follow up procedures na gagawin. Medyo matagal kasi ang exam at inaabot ng maghapon. Kung minalas-malas pa at may nakitang problem sa dental examination, balik at pila pa sa scheduled date para sa kung ano man ang gagawin. Pero ngayon, sinasabi ko na lahat kung ano talaga ang masakit at ang problema ko. (more…)

I will start this post with a disclaimer : Tao lang po ako at hindi ko kayang manalo sa lahat ng karerang sinasalihan ko. Ang series ng posts about training ay based sa mga experiences ko, pagbabasa, at mga natutunan ko mula sa mga dating foreign coaches and teammates. These are my personal ways and may be different or not applicable to others.
Dahil sa bumababa ang resistance habang nagiging ensayado, mas nagiging prone sa sakit ang well-trained pero mas lalo na ang over trained. Mayroon akong mga indicators ng over trained na ako: di makatulog o balisa matulog sa gabi at mataas na heart rate pagkagising, mataas ang heart rate at matagal ang recovery, muscle soreness, possibleng magka rashes, blood clot, lagnat, ubo at sipon, at panlalata ng katawan. (more…)