Thinking Aloud: Lessons Learned, The Controversies, and My Stand

February 27, Wednesday. I am way behind my post lately. I can not write as much as I want to. May be because I am always busy, may be because all of a sudden I don’t know how to start, or may be because I am thinking too much, may be because I am pressured, may be because I do not want to say anything that will further aggravate (tagal ko hinanap sa thesaurus yan word na yan hehehe) the situation. I am now faced with the same situation I faced before. I have learned my lessons in the past and now I know what will work and what is useless. Lahat ng ito napagdaan ko na. Ang maganda lang ngayon, lahat may mukha na. Now I know who is who.
Before leaving for Ratchasima in December last year, I was planning to write about the biggest decisions I made in my life. Mga desisyon na sobrang mahirap pero hindi ko naman pinagsisihan. Yun ang mga ginawa ko na ang tanging consolation ko lang ay ang assurance ni misis noong mga panahon na yun na sa future ay maikukuwento ko yun sa anak ko paglaki nya. Na wala naman palang dapat katakutan. Na kaya naman pala. But I was not able to write it. Naisip ko wag muna. Saka na lang. Kasi SEAG. Lagi naman crucial pag SEAG. Nakakademoralize lang. Saka na lang. Siguro pag iba na ang linya ko at medyo may edad na tayo, hehehe.
Akala ko nasagot ko na ang mga tanong about world cup in my post before I left. Napag-alaman ko na hindi pa rin pala at marami ang gumagamit ng pag-alis ko against me. There are concerned friends who knows the truth advising me not to think about it and just concentrate in my training. Pero mahirap magconcentrate kung may mga alalahanin, iniisip, at lalo na kung naiinis ka. I will say it again, my US trip to join the world cup was from my long time manager. I DID NOT get any VIP treatment from the US Embassy. Napakaimpossible nung mangyari dahil hindi naman ako VIP. I go through the usual process of scheduling an appoinment for interview and I waited in line and was interviewed by a consul in the embassy. Hindi ako qualified for the urgent or priority appointment kasi medical emergency lang at related cases ang qualified dun. Late na ang mga kailangan kong papers at dumating din sa point na suko na ako at tumigil na sa pag process ng mga papers. Sabi nga ng iilan na nakaalam kung paanong hirap ng pag-asikaso ko ng mga papeles, napakaswerte ko lang talaga. Sa mga taong nang iintriga, nag-iimbento ng kwento, at gumagamit sa pangalan ko, you are pathetic! O ha! O ha! Natutunan ko yan sa states, hehehe. Pero seryoso, bahala na kayo kasi hindi naman ako ang magdadala nyan. Matatanda na tayo pare-pareho at alam na natin ang mga ginagawa natin. Basta pag hindi ko kinonfirm at puro daw lang, tsismis lang yun at hindi totoo. Tulad ng nawawalang gintong medalyon. Parang showbiz hehehe.
Before leaving for LA I did not left any unfinished business. I did not sign the petition. I talked to the people concerned and personally told them my reasons. As what I have replied in one cycling group, my lawyer advised me not to discuss the issue. Alam ko na may mga disappointed sa desisyon ko at iyon din ang sinasamantala ng iba na gamitin laban sa akin pero sabi nga ni big brother “ang lahat ng bagay ay may takdang panahon” at sinisiguro ko rin na ang mga desisyon ko ay nakabase pa rin sa mga prinsipyo ko at alam kong tama. To the few people who understand me and respect my decision, maraming salamat po. You know me better hehehe. Gustuhin ko man pero I can not please everybody. But I don’t have any regrets. This is just one of the unpopular decisions I made at nasanay na din ako. As what I have said in my earlier posts, ilang beses na akong naiwan mag-isa at nanindigan. Alam ko kung paano bantayan, pag-initan, tirahin ng talikuran, paglaruan, ano pa ba ang hindi nagawa sa akin. May mga oras na nakakapikon talaga pero ok lang yun. I don’t play offense. Depensa lang lolo nyo hehehe. Sa nasabi ko na sa group, natuto na ako, at hindi yun yung sumunod sa agos at mag pa safety. Nalaman ko na kaya ko pala ipagpatuloy ang aking pagbabike at buhayin ang pamilya ko sa malinis at marangal na paraan kahit na noong wala ako sa national team o sa trade team. Tumatayo ako sa sarili kong mga paa at hindi sa paa ng ibang tao.
Sa ngayon, I am looking for ways and doing my best to improve cycling in our country. Sa maliit kong paraan. Yung tamang proseso at yung totoong nalilinis ang sport. Yung effective and long term na solution. Pero ano ang magagawa ko? Matagal ko pinag-isipan yan. And I realized while watching my wife scolding our son. My wife asked “is it good or bad?”. Victor answered, “bad” while looking down. My wife then asked him, “You know it’s bad so why did you do it? and you look at me. My son answered, “sorry mommy”. My wife then ask, ” Are you still a baby?” My son said “No”. My wife said ” You’re a big boy now. Don’t be naughty. Always do the good thing. Sit on your chair and have your time out.” My point is, alam naman na natin kun ano-ang tama o mali. We are not kids that should always be reminded of what is good and what is bad. Sana kung nagagawa lang yung alam natin tama o mabuti ng me nakatingin mas ok kung ganun din kahit walang nagbabantay. Alam ko mahirap. It is easier said than done. But if we make it a habit, makakaya rin. Tulad din sa pagbabike, kailangan ng training. hehehe. Kaya nga sinisimulan ko na sa anak ko hanggat bata para madala sa paglaki. Dahil sa kulit nun kailagan ng matinding training. I am trying my best to practice what I preach. Akala ko dito lang sa Pinas ako matanong kung uuwi pa ako. Pagdating US, mas madami pa ang nagtanong kung uuwi pa ako. At madami rin ang nagtaka na bakit pa, sabay alok na wag na at tutulungan na lang ako dun. Everything is going my way kung tutuusin. I went there alone and can stay there legally for 6-months. Pero syempre di ko gagawin yun. In the invitation, the organizer is requesting a visa for 4 weeks, for almost the whole month of January. I did not extend. Umuwi ako kung ano ang original date sa ticket ko. I turned down invitations to train in other states. Wala rin akong ginawa sa US that will give cycling in our country a bad reputation. Why? Because I am the representing the Philippines. Hindi matatandaan ang pangalan ko dun pero siguradong hindi makakalimutan ang bansa natin kung may gagawin akong hindi maganda. I can not deprive other cyclists the same opportunity I had. Hindi ko na dapat pa kinukwento ito. Hindi ako nagmamalinis. Espiritu apelido ko pero hindi ako santo. hehehe. Di ako nagyayabang. Hindi rin ako nagpapasikat pero ayoko rin namang maging kontrabida hehehe. Pero seryoso, kasi gusto ko sabihin na wala pa rin naman nagbabago sa akin. Kung ano ako noong nagsisimula pa lang ako, ganun pa rin naman hanggang ngayon. Yung nga lang akala kasi ng iba dati ang bobo ko hehehe.
Sana malutas na ang mga problema. Kasi wala naman panalo sa laban na ito. Aminin man natin o hindi, lahat apektado, kahit mga siklista, coaches, officials, at organizers. Lahat ng nangyayari ay kasiraan ng cycling as a sport. At parang yun yata ang nakakalimutan ngayon. Cycling is not an industry. Cycling is not a business. Cycling is a SPORT. Sport is for unity, for cooperation, and for peace. Siklista ako. Cyclist. Athlete. Sportsman. Mas gusto ko rin yung English word na SPORT kesa sa Filipino word na palakasan. hehehe
MABUHAY ANG SIKLISTANG PINOY!
lessons learned:
- wag sisira sa tiwala
- do not lose hope
- wag abusado
- tama si Arjuna, stay clean!
- at higit sa lahat, wag mag TNT





nice one dude! peace lng hehe
Comment by iphex — February 28, 2008 @ 4:58 pm
amen
Comment by rommel — February 29, 2008 @ 12:28 am
wag mo na pakinggan mga chismax. wala naman mapapala yang mga nagkakalat ng chismax and pagsira sa iyo.
what’s important is that you’re safely back in Pinas with a clean name and everything intact.
Comment by maya — March 6, 2008 @ 2:20 pm
“Hindi matatandaan ang pangalan ko dun pero siguradong hindi makakalimutan ang bansa natin kung may gagawin akong hindi maganda.”
TUMPAK! Idol talaga kita! Pag nakita kita sa qc circle magpa-papicture ako sayo ha!!!
Comment by monica torres — April 4, 2008 @ 4:07 pm