Post Race Texting
december 11, 1:40 am
victor: —, kadarating lang dito sa barracks. salamat ng marami sa suporta at tyaga sa akin. nagbunga lahat ng sakripisyo mo sa akin. - —- —. gusto ko na umuwi.
w: congratulations! ang saya-saya. napasigaw ako nung mabasa ko pangalan mo. kanina pa kasi ako nag-aantay ng result. lam mo di ko alam event mo kanina. akala ko road ulit ng umaga. dasal na ako. nagtataka ako bakit hapon na di ka pa txt. check ko sked dun ko lang nakita event mo. kaya dasal ulit.
victor: epektib talaga. lam mo ba 2x ko sila inoverlap. kala ko nga madadaya pa kami. tuwang-tuwa si sir at mam lina kasi nasakto na andun nanonood. tomorrow alfie battle for gold and silver.
w: O? 2x mo naover lap pero 5pts lang lamang mo? ipapasok ka pa ba sa team pursuit? what time na natapos?
victor: 10 pm na ata natapos. tapos bike pa kami pauwi kasi wala na bus. sabay sabay kami lahat nagbike. tagal nga lumabas ng result. e me japan na commissaire kaya d sila nakaporma. parang di ako talaga napapagod kanina. for bronze na lang yung team pursuit kasi tinalo sila ng thai sa oras kanina.
w: takot ako. kasi alam ko di ka talaga inensayo sa points race. sa team pursuit lang talaga. maiyak-iyak ako nakita ko for bronze na lang team. para san pa ang ensayo mo kung di ka naman sinali sa team para isali sa point race na di ka naman trained jan. sabi ko wala na. dasal na lang talaga ako paulit-ulit.
victor: medyo low moral nga ako talaga bago mag points race. kasi naisip ko balewala talaga paghihirap ko sa ensayo ng team pursuit tapos di ako nakapaglaro. sakripisyo na nga yung event ko na itt tapos wala. malungkot kasi alam ko kaya ko pumasok sa 1-3 kung napaghandaan ko talaga. ayoko na nga lumabas ng room dahil panay tanong sa akin kung ano nangyari sa itt. lahat papaliwanagan ko pa. mabuti na lang talaga sinuwerte at may gumabay sa akin.
w: lam ko naman malungkot ka. alam ko kahit di ka nagsasabi na depress ka.
victor: sacrifice ka talaga sa akin. lam mo lahat ng panalo ko kabahagi kayo ni victor. kasi ang laki talaga ng sakripisyo nyo sa akin. inspirasyon ko kayo dalawa. salamat sayo.
w: hmmm. sana lang totoo yan at hindi lang dahil malayo ka. sana araw-araw ka ganyan.
victor: pagpasensyahan mo na ako. kadalasan nabablangko na utak. sunog na sa araw natuyo na. — tulog na ako ha at me ensayo pa. - —- — . good night. miss ko na kayo. gusto ko na umuwi.
w: good night. congratulations. - —- —. ingat ka dyan. God bless.





CONGRATS.GET READY IWILL BE YOUR SPONSOR THIS COMING WORLD CUP CYCLING SA LOS ANGELES CAL.JAN 17.SAGOT KO LAHAT MAGPATULONG KA SA PAGKUHA NG US VISA.YOU WILL COMPETE SA POINT RACE.GOOD LUCK SA ROAD RACE KAYA MO YAN.
Comment by R HISO — December 11, 2007 @ 5:02 am