The Victorious One

Bad Trip

Filed under: Point of View, Races, Training — Victor November 15, 2007 @ 3:12 am

preparing for a ride to Manaoag

November 14, Wednesday. Matagal-tagal din ako hindi nakapagpost. Sa totoo, bad trip kasi ako. Nabura pa ang ibang posts ko na reserve about sa convention sa UST, at yung original na bad trip nung undas. Hindi pa kasi naupload yun ng webmaster dahil antay pa ako ng ibang pics. Balik ako muna ulit sa Word sa pagtype o kaya sa papel na muna. Pero hindi yun ang dahilan ng ka badtripan ko.Nagsulat na ako nung undas ng tungkol sa mga nakakadismayang nangyayari siguro may isang buwan na rin. Maraming intriga parang showbiz. Nakakapagod at nakakasawa na kasi. Nagdadalawang isip ako ipost ang unang nasulat ko (bago mabura pati ang tungkol sa nangyari sa akin sa circle dahil nagloko ang site) dahil ayoko naman na mapuno ang blog ko ng puro reklamo o ng mga hinanakit ko. May magsasabi na naman na hindi na naubusan ng reklamo. Mas ok sana kung tungkol sa karera o di kaya ay training. Pero wala naman karera ako sinalihan lately. At ang training naman, depende sa trip kung ano gusto ipagawa. Walang direksyon. Hindi ko alam kung ano ang totoong plano o ang goal. Kung mga kwentong siklista na puro kalokohan parang wala naman masyado kabuluhan. Kung sa masasaya naman sigurado tungkol sa pamilya ko yun. Pero ngayon, fresh pa ang lahat. Kanina lang nangyari at bad trip ako. Masama ang loob. Dismayado. Normal naman siguro yun. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko?

Nakumpirma ko na kanina ang matagal ko na hinala at ng iba pang staff at myembro ng team. Hindi totoo ang unang sinabi sa akin ilang buwan na ang nakakaraan na magconcentrate sa individual time trial. Sinabi na sa akin kanina na ensayo ko lang daw ang itt event para sa team pursuit kinabukasan. Alam ko na ito. Pero nagulat at sobrang dismaya pa rin ako ng tuwiran ko na itong marinig.

Hacienda Luisita before starting the ride to Our Lady of Manaoag

Aaminin ko, nagsikap ako makabalik sa national team para makalaro ng SEAG. Nagpapasalamat ako sa Diyos at ako ay pinalad na manalo sa tour at pumuwesto ng maganda sa iba pang karera. Pero bumalik ako talaga dahil sa SEAG. Iba kasi ang karera na ito. Hindi kasi importante dito kung ano ang pangalan ng siklista, kundi ang bansa na dala nya. Ang kalaban ko kasi dito ay hindi kababayan ko. Noong SEAG na ginanap dito, tinatawag ako ng mga siklista mula Vietnam at Indonesia. Niyaya nila ako na labanan sila. Ako daw dapat ang kumakarera. Tawa lang ako nun. Pero isa yun sa pinakamalungkot na karanasan ko bilang siklista. Mahirap para sa akin dahil simula ng kumarera ako sa itt sa SEAG ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para makapag-uwi ng karangalan. At ngayon, heto. Kumpirmado na. Kaya pala hanggang ngayon hindi pa ako pinag-eensayo sa road. Kasi ensayo lang pala ang itt para sa team pursuit kinabukasan. Huwag seryosohin. Kung sa umpisa pa lang at pangit ang oras, wag na tapusin. Kung ganito ang katuwiran, sana pala hindi na lang ako inentry sa itt para hindi ako ang matatanong kung ano ang nangyari. Hindi ako sumasali sa mga laro sa abroad para mamasyal.

Ang event na hindi ko sasalihan sa SEAG ay mountain bike at ilang event sa track. Halos ibigay na sa akin ang lahat na parang ako si Superman hehehe. Habang may mga siklista na nag-eensayo na hanggang ngayon ay hindi pa alam na alternate lang pala sila. Syempre maraming kasamang intriga at away na yan sa pagitan ng mga siklista mismo. Ang individual pursuit, team pursuit, at point race ay mga event ko sa track mula noon pa. Wala akong pagsisisi na ako ay ilagay dito. Pero may ibang siklista pa na halos wala ng ibang pwedeng paglagyan event kundi ang team pursuit, at halos wala na rin subok na siklista na maaaring mag-itt sa road. Ang dahilan ay dahil kailangan ko magconcentrate sa team pursuit dahil mas marami ang makikinabang. Paano nangyari yun? Samantalang kahit na apat ang medal sa team pursuit kung sakali man magmedal nga ay isang count lang yun kapareho ng itt. At pwede rin naman magconcentrate na lang ako sa dalawang event na ito at ibigay na sa iba pang siklistang walang event ang iba pang event ko.

Alam ng mga nakakakilala sa akin lalo pa ng mga naging kateam ko kung paano ako maglaro. Hindi ako nanginginig na maging kapitan o first man. Hindi ako nakikipagkompitensya sa mga kateam ko at lalong hindi ko sila tinatratong kalaban lalo na sa mga karera abroad. Walang problema sa akin na maging domestic ng sino mang teammate ko na may magandang tsansa na manalo. At marami ang makakapagpatunay nito. Hindi ko kahit kailan ginawa na mang-agaw ng event sa teammate ko na alam ko na siguradong panalo at medalya na dahil tatlo lang ang kasali o kaya ay qualified na kasi sa finals. Hindi ako nanghihingi ng laro.

Dalawang linggo na ang nakararaan, may pambihirang nag-offer sa akin ng libreng strength training. Kaparehong training na ginagawa sa abroad. Pero tumanggi ako. Mahirap explain kung bakit.

Sa mga nakaraan buwan, sa track na ako. Tatlo na lamang ang naiwan sa road na tinututukan ang ensayo. Pagkatapos ng maikli at todong ensayo sa track bigla akong sinabak sa 200-km na byahe sa road. At isa pa uling mahabang byahe kinabukasan. Tapos balik ulit sa track. Ang team pursuit hindi kayang overlap ang individual pursuit. Ang time ko ngayon sa pursuit ay mas mabagal kumpara sa time ko sa noon sa AFP Olympics gamit ang bakal ko na bike. Sa paminsan-minsan time attack sa road, mas maganda pa rin ang time ko na gamit ang Cannondale Six13 kesa sa itt bike. At kahit walang ensayo sa road, kailangan ko pa sumali sa Tour of Thailand pagkatapos ng SEAG.

Tulad ng nasabi ko na noon, hindi ako nagpapakabayani. At hindi rin ako nagrereklamo sa mga karera ko. Hindi yun ang ibig ko sabihin. Mas mainam syempre ang may karera. Ang sinasabi ko ay sana, sana lang, may tamang preparasyon. Dahil alam ko sa huli, kung pangit ang kalabasan ng lahat ng ito, talo ako mag-isa. Ako ang huhusgahan. Nasa akin ang lahat ng sisi dahil nakatago ang mga totoong nangyayari. Pero kung sa kabila ng lahat, at bwenasin pa rin lalo na sa road, sigurado may maiiyak pa at sasabihing tama sya. Ang laban na ito, manalo o matalo pabor lamang sa iisang tao. Ang pakiramdam ko, paover na ng walang karga. Malaki ang problema ko. Bumabagal na nga siguro ako. Lumilipas na. O dahil naka light gear pala ako ng hindi namamalayan tulad kahapon. Tumatanda na kasi. Buti na lang me pinagkakatandaan hehehe.

Kanina pagkatapos ng ensayo, uwi agad ako. Sa mga ganitong pagkakataon mas kailangan ko ang mag-ina ko. Kahit sa maghapon lang. Pagkahatid ke Victor, lunch lang kasabay si misis. Kwentuhan ng mga kakulitan ng Bokibokbok. Habang nag-aantay ng uwian, tambay muna dito sa bookstore, humihigop ng libreng kape. Sana naman hindi na time out ang Victor para hindi rin sya bad trip hehehe.

Lessons learned:

  • Sa mga pagkakataon na nauubusan na ng pag-asa at wala ng magawa, magdasal.
  • Tawanan ang mga problema, baka sakaling malutas ng kusa hehehe.
  • Isipin lagi ang sinasabi ng anak ko pag naaaburido na ako, ” It’s ok. You can do it Victor.” Tinatawag nya ako minsan ng Victor dahil we are the same Victor daw at I am his baby daddy hehehe.

6 Comments »

  1. hi champ!
    can you tell me about your TT bike? looks new to me. second, can you “taglish” your write ups like in the early write ups you did?
    it’s hard for me (and i think most of your fans down south) to understand the vernacular.
    thanks!!!

    Comment by jv araneta — November 16, 2007 @ 8:24 pm

  2. Hi Doc JV! Pasensiya na sir tagalog talaga kasi di pwede english or taglish dahil nagbabasa ibang bansa kasali sa SEAG. I’ll email you. Ask whatever you want and I will answer. Hehehe.

    Comment by Victor — November 16, 2007 @ 10:16 pm

  3. Vic,
    kahit saan talaga maraming hang-ups,failures and sa term natin, nakakalow morale na sitwasyon. masayang-masaya ang mga tao sa taas pag nananalo ka.halos maghapon na foto ops pero barat naman pagdating sa pagbigay ng suporta. maraming manggagamit sa mundo natin. just go for it,vic. good luck

    Comment by Lui Prado — November 17, 2007 @ 4:51 pm

  4. Hello Victor,

    As usual, politics goes into play in sports. Especially for National Teams where gov’t is involved & the managing personalities jockey for positions. Just keep yourself relaxed, you’ve been a national team stalwart a long time I know you’ve handled that before. The athletes, especially the gifted ones like you make those ‘people’ look ‘good’.

    I know you’re built as a road racer. I’m just wondering, what I’ve learned is that track cyclists are usually heftier in built & have more muscles. Assuming you’ll compete both in the road & track races at SEAG, would your road performance be hampered after racing the track afterwards?

    Comment by Norman Baybayan — November 18, 2007 @ 3:48 am

  5. ok, i understand!
    thanks!!!

    Comment by jv araneta — November 18, 2007 @ 5:23 am

  6. idol, isipin mo na lang na maraming ibang siklista natin ang magbebenta ng puri nila para lang marating ang kinalalagyan mo ngayon (kasama na ko dun hehe).

    good luck sayo mapa-track or road!

    Comment by Edward Perlas — November 20, 2007 @ 12:49 pm

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment