Happy Birthday Victor!

November 8, Thursday. It’s my little Victor’s birthday. He is now 5 years old and very proud of it. I asked permission to be able to sleep at home almost a week before just to make sure I can make it to his simple pansit Malabon and cupcake party. No spaghetti he told his mommy. He clearly specified a NASCAR, Thomas and Friends, and Cars cake hehehe. Sinusubok na naman ang galing ng mommy nya.

Ganyan talaga si Buk este Victor. Bata pa labas na ang strong personality nya. He knows what he likes and stand by his decisions at a very young age. Madalas nakakabwisit kasi mahirap mapasunod basta-basta. Kailangan pa ng mabuti at masinsinang paliwanagan. Yung mga paliwanag na dapat totoo at makukumbinsi sya dahil kung hindi gagamitin pa nya laban sa akin o sa mommy nya. Madalas hindi ko namamalayan naiisahan na pala ako hehehe. He is in the age ng sobrang kakulitan at nangangatwiran. At alam nya kung paano gagamitin ang kanyang laki, at medyo madalas mag-apologize ang mommy sa teacher at sa parents ng classmates nya. Ang sa akin, ubusin na lahat ang kakulitan basta bumait na sa paglaki. Tulad ng daddy hehehe. Buti na lang, sa kabila ng kapilyuhan, masipag mag-aral at magbasa ng libro. Mas masipag kesa sa daddy hehehe.

Nang tanungin ako ni misis kung ano ang gusto ko maging ang aming anak sa kanyang paglaki, sabi ko hindi naman ako mapili, tulad ng ibang magulang gusto ko syang makatapos ng pag-aaral at maging isang professional. Pwede na sa akin ang piloto, doktor, o kaya ay abogado hehehe. Basta wag na professional na tambay, o kaya ay mandurugas, o manloloko. Yung makapamuhay sya ng komportable at mula sa mabuting paraan. Kung gugustuhin nyang maging athlete, I will support him all the way basta mag-aaral sya. Iba na kasi yung ako at yung siya. I know he will not let anyone deliberately use him nor call him stupid, pero siguradong mapapaaway ako kung malaman ko meron mang mag-attempt na gumawa sa anak ko ng mga ginawa sa akin. Ibang usapan na yun. Gawin na sa tatay wag sa anak na pinag-aalayan ko ng lahat ng pagsisikap ko bilang isang simpleng siklistang sundalo.

Sa aking anak, happy birthday! Pagdating ng panahon na magaling ka na magbasa at matisod mo ito sa internet na alam ko malapit na yun dahil nakakabasa ka na at marunong ka na rin mag-internet, sana lumaki kang marangal at mabuting tao. Sana rin lumaki kang masaya, masipag mag-aral at hindi na nakikipag-away sa school. Sana sa paglaki mo, hindi mo lang ako tatay, kundi best friend din. Wag mo kakalimutan na ang daddy ay isang siklista at sundalo. Lagi man wala ang daddy, kayo lagi ni mommy ang nasa isip ko. Wag mo na rin kunsumihin ang mommy. Pero sana sa panahon na nababasa mo na ito maganda-ganda ka na rin magsulat. Practice lang yan anak hehehe. Happy Birthday!





http://philippineadventureracing.blogspot.com/2007/11/urbanathlon-and-festival-paradise.htm
exchange links po tyu sir
Comment by chris — November 13, 2007 @ 1:29 pm