Basic Math and Science in Effective Cycling Strategy

I was often asked kung ano ang secret ko sa training lalo na sa itt. Wala naman talaga. I just plan ahead. Yun lang. I plan ahead. At kasama na din dun yung daily diary. Importante talaga yun diary para may basehan ako ng progress sa training. Para kung ano man ang mangyari, madaling mababalikan kung ano man ang mga ginawa ko. Sa diary ko din sinusulat kung ano ang goal sa pagtetraining, ang mga targeted time, at iba pang stats. At hindi maiiwasan, may math at science talaga na kasama sa pagset ng goal at strategy. Madalas ito nagagamit sa itt at sa mga event sa track dahil oras ang kalaban. Ang sariling oras ay dapat ibase sa oras ng kalaban. Kailangan macompute ang oras, speed, at acceleration para malaman ang dapat gawin sa actual na karera. Maaari kasi na mangyari na mabilis na ang takbo para sa sarili pero mabagal pa pala kung ikukumpara sa kalaban. Para sa massed start naman, ang math and science din ang ginagamit para malaman ang estimated time of arrival, ang estimated time difference ng break away sa mga chasers, at ang possibility na abutin pa ng peloton o ng kung sino man naghahabol ang mga leader, ang possibility na mapalitan pa ang leaders sa karera sa time bonuses o sa points sa iba pang categories. Simple lang naman ang computations at hindi naman masyado nakakalito. Hindi ko akalain na yung inaayawan kong math at science noong high school ay magagamit pala sa ensayo at karera. Madali lang naman tandaan.
velocity ( speed with direction ) = distance / time
distance = (velocity ) ( time )
time = distance / velocity
acceleration = velocity / time = distance / (time) (time)
Road Race: ITT
Example 1
Paano malalaman ang average speed ng leader sa 42km ITT sa ACC ng hindi tinitignan ang speedometer kung tinapos nya ang karera sa loob ng 53.40 mins?
Note: Huwag pagsama-samahin ang iba-iba ang units.
53.40 mins is the same as 53.4 mins but not equal to 53 mins 40 secs.
53.40 mins = 53 mins + (0.40 mins) (60 secs / 1 min)
53.40 mins = 53 mins 24 secs
while 53 mins 40 secs = 53 mins + (40 secs) (1 min / 60 secs)
53 mins 40 secs = 53.67 mins
average speed = 42 km / (53.40 mins) (1 hr / 60 mins) = 42 km / 0.89 hr
average speed = 47.19 km/hr
Example 2:
Ano ang average speed ni cyclist X na tinapos ang parehong karera + 2.34 mins sa leader?
time of cyclist X = 53.40 mins + 2.34 mins = 55.74 mins
average speed of cyclist X = 42 km / (55.74 mins) (1 hr / 60 mins) = 42 km / 0.929 hr
average speed of cyclist X = 45.21 km / hr

Track Event
Example 3:
Ano ang average speed para matakbo ang 100 m sa loob ng 7 secs?
average speed = 100 m / 7 secs = 14.286 m / sec
average speed in kph = [(14.286 m) (1km / 1000 m)] / [( sec ) (1min / 60 secs) (1hr / 60 mins )]
average speed in kph = 0.0143 km / (1 hr / 3600 ) = 0.0143 km / 0.000278 hr
average speed in kph = 51.439 km / hr
Example 4:
Ano dapat ang acceleration para matakbo ang 100 m sa loob ng 7 secs kung galing sa hinto?
acceleration = 100 m / (7 secs) (7 secs) = 100m / 49 secs ^2
acceleration = 2.041 m / sec^2
Napakalaki ang naitutulong sa akin ng kaalaman na ito at sana makatulong din ito sa iba.





Thorvic,itong book na ito sa Texas to ah? Ngayon pag napunta ka rito sa akin sa Houston personal na dalhin kita para makita mong tunay ang Texas.Si Jazy Garcia nag ride na sa amin,balak ko ring dalhin si Rey Navarro,Henry Domingo at si Sherwin Carrera.Si Blann to of Texas..
Comment by Blann B.Caguioa — October 12, 2007 @ 5:06 am
Kuya Blann,
Nabili ko yan sa books for less dun po kasi tambayan namin ng misis ko. Para kasing library na pwedeng magbasa ng libro kahit di bibilin. Mura libro at in good condition. Medyo naginvest talaga ko sa libro.
Thorvic
Comment by victor — October 13, 2007 @ 6:31 pm