The Victorious One

Better Under Than Over: The Conclusion

Filed under: Friends Around The Globe, Point of View, Races, Training — Victor September 24, 2007 @ 3:41 am

I will start this post with a disclaimer : Tao lang po ako at hindi ko kayang manalo sa lahat ng karerang sinasalihan ko. Ang series ng posts about training ay based sa mga experiences ko, pagbabasa, at mga natutunan ko mula sa mga dating foreign coaches and teammates. These are my personal ways and may be different or not applicable to others.

Dahil sa bumababa ang resistance habang nagiging ensayado, mas nagiging prone sa sakit ang well-trained pero mas lalo na ang over trained. Mayroon akong mga indicators ng over trained na ako: di makatulog o balisa matulog sa gabi at mataas na heart rate pagkagising, mataas ang heart rate at matagal ang recovery, muscle soreness,  possibleng magka rashes, blood clot, lagnat, ubo at sipon, at panlalata ng katawan.

Kung ako naman ay well trained: mababa ang resting heart rate, gradual ang pagtaas, mataas ang maximum heart rate, at mabilis ang pagbaba meaning  mabilis ang recovery, malambot at magaang ang muscles, smooth ang paghinga at hindi hinihingal, may endurance na sa mahahabang karera

At kung under trained naman ako ay: pagod na pagod at may sobrang taas na heart rate pagkatapos ng karera, mabagal ang recovery, matigas at mabigat ang muscles, bukol-bukol at masakit ang mga hita, pinupulikat, di makahinga o kapos ang hininga, may side stitch habang kumakarera, at walang endurance para sa mahabang karera.

Sa mga 1 day race, napakaimportante na well-trained ako. Dinadaan ko na lang sa strategy at skills na natutunan ko bilang isang beterano kung alam ko na ako ay under or over trained na. Ang mahirap kasi sa mga 1 day race ay wala ng pagkakataon pang bumawi sa mga susunod pang stages dahil isang araw lang ang karera. Kung pangit ang performance, yun na yun. Di katulad sa mga multi-stage race na may pagkakataon pang makabawi. Mas mahirap kung ikumpara sa mga 1 day race pero mas may pagkakataon sa multi-stage. In multi-stage race, it is better for me to be under trained than over trained. Kasi kung under trained maari pang tumaas ang performance at mag peak habang nagtutour. Marami pang pagkakataon na makabawi sa mga susunod na stages.  Pero kung over trained na ako bago pa man magsimula ang karera, sa ayaw man o sa gusto ay talagang pababa na ang performance. Mababa na din ang immune system at napakadali ko na rin magkasakit. Minsan pag sobrang over na ako at d ko na kaya sa sobrang pagod o kaya ay may sakit na ako, umaayaw na ako sa karera.

Pero syempre, iba kung well-trained o properly trained. Yung tama lang ang training. Madali naman mapredict at macompute ang tamang traing at kung kailan ang peak. Sa paggawa pa lang ng traing program, dapt may assessment ng level of fitness bago simulan ang program para alam kung ano ang improvement na gagawin. At syempre nakabatay din ang program sa kung anong klase at gaano kahaba ang target na karera na sasalihan. Habang training, mahalaga din syempre ang assessment at feedback sa kung ano na ang pakiramdam. Syempre dapat nag-iimprove at lumalakas habang maganda at masigla ang pakiramdam. At higit sa lahat, dapat mag-peak ang level of fitness and performance sa mismong karera at hindi bago o pagkatapos ng karera. Malaking tulong sa akin ang paggawa ng daily diary o paglista ng daily statistics ko. Mas mainam kasi yung may konkretong basehan at maaring makapag-explain kung ano na ba dapat ang level ko at ano ang connection nito sa mga nararamdaman ko. Pero pagdating sa karera, gaano man kaganda o kapangit ang training ko, mas mainam pa rin kung may kasamang dasal, at paminsan swerte. Pero madalas din nangyayari sa akin lalo na during itt na kahit gaano kaganda ang training ay may mga problema tulad ng naliligaw ako o di kaya ay biglang uulan bago ako mag start o habang kumakarera na ako, o kaya naman kakatapos lang ng ulan, basa at madulas ang kalsada. Halimbawa noong SEAGames sa Brunei na naligaw ako habang nag-itt at noong Tour ‘97 na sumemplang ako.

1 Comment »

  1. Victor,

    Alam mo rin na di ka bumabata kaya alam mo dapat ang level of intensity ng training mo. Dahil sa klase ng training na naranasan & natutunan mo, NASA KAMAY MO ANG FUTURE NG PHILIPPINE CYCLING PAG IKAW AY RETIRED NA!

    Comment by Norman Baybayan — September 24, 2007 @ 4:25 am

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment