The Victorious One

My Favorites in Le Tour de France

Filed under: Point of View, Races — Victor July 23, 2007 @ 6:22 pm

 (L-R) Kashechkin, Vinokourov, Elmo Ramos and Me

July 17, Tuesday. Le Tour De France is already in its 9th stage. I got a comment from Iphex, asking kung nakakasunod ba ako sa tour and who’s my favorite. Hmmm….. medyo mahirap sagutin dahil hindi ako masyadong updated. I was able to watch an episode in ESPN pero prologue lang yata yun. hehehe. Nasasabay kasi yung time slot sa ensayo at bihira pa akong makauwi sa bahay. Nagbabasa na lang ako ng news sa internet at paminsan-minsan nanonood sa youtube. Pero tulad ng kahit na sinong siklista, may mga favorites din ako kahit na hindi masyadong nasusubaybayan ang tour.

My preference and opinions are usually based on the effort, performance, and attitude of the rider. Maybe because of similarities of experiences. Ang hirap na binubuno ng kasali sa tour and the extra burden the yellow jersey has on the rider wearing it. Pero kahit hindi pro na siklista alam na mahirap ang umahon at rumemate. Kahit hindi karera, yung ensayo o kahit fun ride lang mahirap pa din. Kung ano ang nararanasan natin na tumutulo at naghahalo na ang pawis, sipon at laway (pasensya na, nakakadiri talaga pero nangyayari hehehe) sa sobrang hirap at groge, ganun din ang mga hinahangaan ko sa Tour de France. Yung mga masokista hehehe. Yung mga pinahihirapan ang sarili at nakikita sa mga distorted na mukha. Yung mga nagkakangiwi-ngiwi na ang mukha sa ahon para makakuha ng lap. Kasi nakikita talaga na tao sila na napapagod at nahihirapan, at hindi parang cyborg o robot na parang namamasyal lang sa amari habang umaahon sa Pyrenees. May mga dumidiskarte na mga siklista na part ng strategy yun di ipakita na groge na pero makikita pa rin talaga yung mga senyales na talagang pagod na at kinakaya lang.

Me with Stuart O’Grady

As of stage 9, the current yellow jersey is former mt. biker Michael Rasmussen. He is also leading in the king of the mountains category. Malakas si Rasmussen. He showed it in the past tours. Kamuntik pa ngang manalo. He’s my wife’s favorite kasi Rabobank, ang favorite team ni misis dahil kay Erik Dekker. Tingin ko malaki ang chance ni Rasmussen wag lang nerbyusin sa ITT. Ilan beses syang sumemplang at nalaglag sa overall nung 2005. Wag lang talaga siyang mamalasin malaki ang tsansa na sya ang kumuha.

Another favorite in Tour de France is Vino’s teammate, Andrey Kashechkin of Astana, 27 years old Kazak. Nakalaro ko sya sa Tour de China when he was still a junior. Steel frame lang at hindi advance ang equipment na gamit nya noon pero talagang malakas. Nakalaro ko ulit sya noong 2002 Asian Games in Busan, Korea. He was part of T-Mobile that time. A god climber and individual time trialist. I also like team mates Alejandro Valverde and Oscar Pereiro, both from Spain. Parehong malakas umahon at aggressive na rider. Pero sa mga beterano ng tour na sprinter, tagahanga ako talaga ni Stuart O’Grady ng Team CSC. Nagwithdraw na sya noong stage 8 pero hindi nagbabago ang paghanga ko sa kanya. Iba kasi sya sa mga sprinters na nakilala ko. He remains to be humble, kind, and accommodating kahit na sikat at successful sya. He is very friendly at hindi maangas. I have met him and raced with him several times in Langkawi. He is an all-around cyclist. A very good and aggressive sprinter who can also climb and time trial really well.

Naiisip ko lang kung may mananalo kaya sa mga nabanggit ko? Hindi ko sure pero manalo o matalo sila ngayon ang mga paborito ko. Kailan kaya may aabangan ang buong Pilipinas na Pinoy na kasali sa kahit isa sa lang 3 grand tours? Posible kayang may makasaling lahing Pinoy sa grand tour? Hmmmm…. magandang poll question.

6 Comments »

  1. “Kailan kaya may aabangan ang buong Pilipinas na Pinoy na kasali sa kahit isa sa lang 3 grand tours? Posible kayang may makasaling lahing Pinoy sa grand tour?”

    posible! ikaw na un idol! walang imposible sa pinoy!

    Comment by pao chao — July 23, 2007 @ 8:04 pm

  2. marami na nag iwan ng ganyang comment thorvic at palagi pinag dedebate sa PCN at PECA pero di pa rin nawawalan ng pag asa mga pinoy.

    Comment by iphex — July 24, 2007 @ 9:04 am

  3. ThorVic,speaking of Rasmussen panuurin mo yung stage 15 (2007) Tour d France maiinit ang labanan nina Contador at Rasmussen sa akyatan exciting talaga hanggang sa finish line, si Veno ang stage winner.

    Comment by Blann B.Caguioa — July 25, 2007 @ 1:11 am

  4. ok sana stage win ni vino kaya lang baka kargado kaya nanalo. isama mo na rin ung nangyari kay rasmussen. medyo kakainis manood ng tour at dami sumasabit sa doping hindi natin alam kung nagsisiraan ba ung UCI at organizer ng tour(ASO) at ang naiipit ay ung mga siklista.

    kahit sa classics lang na may pinoy na makapadyak ok na mas maige pa syempre kung sa grand tour. sana nga matupad kahit fil am na siklista ok na rin.medyo napakalayo ng agwat natin pagdating sa programa ng cycling sa ibang bansa mula sa piyesa kung sabagay mahal bumili ng campy,shimano at sram sa pinas pag ang palitan ay peso sa dollar pamilya muna bago bisikleta. nutrisyon,gel at powder drinks ay mahal din. assos,descente,giordana at apparel mula sa ulo hanggang paa ay mahal din pero jan ka hanga sa mga pinoy napag aari kung ano ang meron.

    magkaroon man sana ng programa ala gintong alay at magandang exposure. aasa nga lang tayo sa mga sponsor at kakapiranggot na pondo mula sa PSC.pag nanalo naman kuntodo photo op ang mga opisyal natin.

    hay sarap makakita ng pinoy na ang suot na jersey eh flag ng pinas sa international tour katulad nila hincapie,moreau,dean,stevic at ang hapon na si beppu. umaasa pa rin ako……

    Comment by yeng — July 29, 2007 @ 3:14 pm

  5. Sna magkroon ulit tyo ng trade team gya ng pagcor ksi laking tulong ito sa ating mga riders na ma expose sa mga international races.Malay ntin bka may madiscover png pinoy na kunin ng pro tour teams! Sna kahit stage win lng ng pinoy sa tour de langkawi eh matupad man lng! Goodluck Mr.Espiritu

    Comment by Billy — July 31, 2007 @ 12:58 pm

  6. isa sanang magandang opportunity na pagkakaroon ng trade team dito sa bansa kung ito ay nagtuloy tuloy.Dahil isa itong paraan para makapaglaro tayo sa mga continental races at chance upang makilala sa mga ibat ibang team mula sa asia at maging sa europe na rin.Na magiging entry point mo sa pinapangarap na european races at kung papalarin ay sa grand tour na rin.

    Comment by thorvic — August 19, 2007 @ 6:13 pm

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment