The Victorious One

Ang Pamilyadong Siklista

Filed under: Point of View, Races — Victor July 17, 2007 @ 3:03 am

July 14, Saturday. Matagal tagal din ako naghibernate, noong nakaraang buwan at ngayon July. Masyado na kasing busy at madalang na lang nakakauwi sa bahay. At medyo may mga inaasikaso din ako sa kampo na matagal-tagal na din pero hindi ko pa natatapos. Hindi nga pala natuloy ang alis ng team para makasali sa World B sa South Africa. Don’t know why. May isa pa sanang scheduled race abroad, Tour of Indonesia, this coming August. Nung una it seemed almost sure that the roadies are joining, pero di ulit tuloy. No explanations were given. Anyway, no need to cry over spilled milk. Sana lang matuloy yung sa Thailand.

Marami ang mga nangyari. Mga bagay na maganda at hindi masyadong maganda. Maraming mga sunod-sunod na problema na sumusubok sa samahan ng aking pamilya. Marami kasi ang nasasakripisyo at higit na naapektuhan ang aking mag-ina. Naiintindihan ko naman at hindi ko sila masisisi dahil talagang sila ang labis na naaapektuhan at nahihirapan sa mga pangyayari. Maraming beses na akong pumalpak at laging wala sa mga panahon na kailangan kailangan nila ako. Hindi maiiwasan ang diskusyon at samaan ng loob dahil lagi naman talaga silang nariyan sa mga panahong kailangan ko sila. Ang reklamo nga ni misis single parent na daw sya at parang may asawang OFW. 

A few months ago iniwan namin ang aming bahay. Bago pa ang lahat, kinailangan ko ng isaayos ang aking mag-ina. Inilipat ng bahay at muling ipisan kila mama dahil delikado na wala silang kasama sa bahay namin. Para na rin bumibyahe ng pangcollege ang anak ko sa layo ng binibyahe nya araw-araw papasok ng school. At halos dalawang linggo nagkasakit ang anak ko at sinundan ng asawa ko na hindi ko halos nadamayan. Bukod pa sa mga kung ano-anong problemang walang katuturan at nakakaubos ng pasensya. Mga sakripisyo ng aking mag-ina na kasama sa propesyon ko bilang siklista at sundalo.  Wala naman akong problema sa pagiging sundalo. Madaling unawain yun. Ang pagiging sundalo ang nagdadala ng pagkain sa aming mesa at nakakapagpaaral sa aking anak. Ang mahirap unawain ay maraming sakripisyo at problema bilang siklista na pwede naman iwasan dahil walang katuturan at dahil lamang sa kapritso? Nakakainis yung ikaw mismo ay halos wala ng kontrol sa mga nangyayari sa buhay mo. Mahirap yung kapalaran mo ay nasa kamay ng ibang tao. Mga tao na alam mo na panandalian lang anjan. Habang may silbi ka at napapakinabangan. At kapag pumalpak sila ay iiwan ka mag-iisa na may kasama pang paninisi. Syempre, balik ulit sa mag-ina na walang sawa (sana talaga wag magsawa) naghihintay sa pagbabalik ko. Sila na laging naiiwan pero tagasalo ng lahat ng kahinaan at kakulangan ko. Bakit? Hindi ba pwedeng maging mahusay, disiplinado at dedicated na siklista ang isang responsableng ama at asawa? Isang propesyon na ni hindi kayang bumuhay ng isang pamilya. Narinig ko minsan mahina daw kasi ang tiis? TIIS? MAHINA ANG TIIS? Bakit kailangan magtiis kung pwede naman hindi? Ang bawat siklista ba ay dapat habang buhay na magtiis? Ang lakas ba ay nasa tiis? Paano kung lakas ko ang pamilya ko? Pang binata lang ba ang pagbibike? Naiisip ko lang, ako lang kaya ang namomroblema ng ganito? Ang pamilya ko lang ba ang unti-unti ng nasisira? Bakit kaya dati nadestino ako sa malalayong lugar pero hindi nagkaganito? Ang dami kong tanong ngayon na hindi ko alam kung paano sasagutin.

Wala naman sanang problema at diskusyon kung hindi ganito. Sinabayan pa ng kakulangan ko ng oras at todong pagod. Hinahanap na ako ng anak ko. Alam ko marami na akong pagkukulang at nadadagdagan pa. Kung mas maayos lang sana ang sitwasyon. Kung sana lahat ng sakripisyo ay magkaroon ng kabuluhan. Yun na lang ang inaasahan ko ngayon. Sana nga lahat ng ito me kapuntahan. Sana bumagyo at bumaha ng pangunawa. Sana wag ako magsawang umasa. Sana maipanalo ko rin kahit pang top 10 lang ang karera ng buhay. Mahaba-haba pa ang lakbayin para sumuko sa mga problema.

Sa napakabait kong biyenan, Ma marami pong salamat sa pangunawa at pagmamalasakit. Sa lahat ng tulong at suporta. Sa pagtanggap nyo po sa akin hindi lamang bilang manugang kundi bilang isang anak. Maraming salamat po.

1 Comment »

  1. dear,ninong vic alam mo po bilib po ako sa inyo ni ninang kit kahit maraming isyo sa pag RP TEAM mo hindi ka parin nag papatalo,ninong vic alam nyo po nong pag gamit ko po ang batalya ang saya ko kasi isang sikat na ninong victor espiritu ang may ari ng ginagamit ko minsan po nahihiya na po ako sa inyo ni ninang kit ang bait nyo po samin mag asawa nong maraming salamat po sa nyo ni ninang kit.nong kya mo yan prblema wag po kyo mag patalo ninong vic alam nyo po che idol nya si ninang kit kasi hindi nya iniintindi ang mga isyo sabi pa po ni che hindi naman sila ninang kit ang mag dadala kong di siladin diba ninong vic.nong pag my tine po kayo dalaw nman po kyo ng neo gusto ko po kasi kyo makita sama nyo nadin po ung mga jercy ko joke lang po meron lang po ok salamat po sa inyo ni ninang kit god blees u all.ingat po kyo diyan. tisoy bayucan jr.

    Comment by tisoy bayucan — July 18, 2007 @ 2:27 pm

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment