Thanks Giving Trip to Manaoag

Tarlac - Manaoag
90 kms
60% - 70% MHR
Average HR - 133 bpm
Max HR - 160 bpm
I was supposed to go back to Manaoag with my family on June 3, Sunday. I turned down all appointments on that day for my thanks giving prayers in Our Lady of the Rosary in Manaoag, but unexpected things came up. Kesa sa mapako ang promise, I decided to drive to Antipolo with my wife, at magpasalamat sa Our Lady of Peaceful and Good Voyage. Hindi lang halata, pero may mga kilala ako na pro na mas religious kaysa sa akin, who rarely miss a Sunday mass with their families. Lloyd is one of them. During the most difficult times in my life, my faith has become my refuge. Ilang beses na akong humingi ng tulong at hindi ako nabigo. Now, it is my turn to profess my faith and give my thanks.
June 9, Saturday. I spend most of the time sleeping at the back of the car with Kuwa Victor and my wife. The initial plan was for me to drive all the way to Manaoag and back to Manila, but Mama asked my wife’s uncle to drive for us again para hindi na mapagod and unico hijo nya. hehehe… spoiled ang lolo nyo! or takot kasi sya pag ako driver nya. hehehe….. Kaya balik kami sa routine, bike ako ulit from Tarlac to Manaoag. We left the house around 5:30 am already. An hour late sa usual departure time namin. Si Kuwa Victor (ayaw na kasi magpatawag ng Buknoy dahil papasok na ulit sya sa school) tulog na tulog pa kaya nakapajamas pa at may dalang mga unan. Before 9am, we were already at the Hacienda Luisita in Tarlac for a stop over.

After having our breakfast at kaunting pahinga, tuloy na kami sa byahe. While changing, di ko mahanap ang jersey ko. I only had my short, cycling shoes, gloves, extra shirt, and helmet. Wala ang jersey at medyas. Sayang naman ang ensayo kung di ako magbike, so I dont have a choice but to wear a shirt and tuck it inside my bib short. I look ridiculous pero kasalanan ko. Wala na talaga. Ulyanin na ata ako talaga hehehehe.
Before 10am, I was on my usual route to Manaoag via Tarlac City, Sta. Ignacia, Camiling, Bayambang, Malasiqui, and Mapandan. While biking in Bayambang, Pangasinan, may nakasalubong akong big group around 60-70 cyclists. May mga executives, juniors, at pro. Mga Pitaki pala, I recognized Elmo Ramos ng malapit na. I know they wont recognize me sa suot ko. Nagsigawan pa binabati ako at tinatanong san punta ng nag-iisa. I texted Elmo and ask him where are they going dahil nakasalubong ko sila. Nagulat sya na ako daw pala yun kasi hindi halata sa suot ko. hehehe It turns out, the Pitaki boys were having a fun ride. Iikot sila ng San Carlos. Pero di na iikot si Elmo dahil mag bus sya paluwas ng Manila to join the criterium grand prix in Libis.

I arrived at the church before noon. Kakatapos lang ng mass. Sa main entrance na lang ako since d pwede mag bike sa ibang parte ng grounds ng simbahan. Iba talaga sa Manaoag, walang nag-interes sa bike ko iniwan ko sa labas. hehehe After saying my prayers, I then looked for Tyo Rolly to keep my bike and change. Dun na ako pinagkaguluhan ng mga fans ko mga jaguars, hehehehe. Nagulat pa sila mama ng dumating galing pamimili ng pasalubong. Dami mga fans, mga guards at drivers. hehehe Iniinterview ang lolo nyo. Akala taga-Pangasinan ako kasi suki nila kami. Nagulat ng malaman lagi kaming bumibyahe pa from Manila. Pero pinakanagulat ako ay nang himasin at pisilin ang legs at binti ko habang nagtatanong. Iniisip siguro kung may kakaiba ba sa hita ko hehehe. After changing, my wife and I went to the candle gallery at syempre sinundan pa rin kami ng isang guard sabay tapik sa balikat ko at sabi ng ” Victor, ingat ka lagi. Idol kita eh!”. Syempre, sagot ako ng ” Salamat bro”.





congrats! masaya talaga buhay ng cyclist, try ko ding mag try out next year sa tour, sana palarin akong makapasok! ingat lagi sa ensayo
Comment by billy — June 19, 2007 @ 1:46 pm
Victor,c Blann to from Houston Texas,ako yung nagpasimuno ng fun ride na nasalubong mong grupong 60-70 cyclist doon sa Bayambang na papunta ka ng Manaoag nung June 9,tapos tumuloy lahat saBrgy.Caoayan Kiling, San Carlos.Kumain at may papremyopa sa sprint at paraffle.Nan doon c Jess Garcia, Eking Domingo,Navarro,Carrera at marami pang iba,Lahat ng Pitaki nan doon headed by Jazzy.Sana magkita tayo d2 sa Houston at ipasyal kta sa bayan ni Lance Armstrong sa Austin,Texas.Totoo yung sabi mo nasi Elmo Ramos bumalik patungong Manila hanggang Camiling lang siya.Victor nandoon din ako sa Criterium nung May 27,sunday.Ang dami kong kuhang picture doon.Thanks
Comment by Blann B.Caguioa — July 2, 2007 @ 5:00 am
kuya blann,
musta na dyan?sayang at hindi tayo nagka meet nung race sa libis ng fil chi.inggit nga ako na parang gusto ko sumabay nung nakasalubong ko kayo sa bayambang.kaya lang me nagaantay sakin sa manaoag at kelangan talaga tumuloy dun para magpasalamat.sana kuya next time mameet kita pagpasyal mo uli dito sa pinas.regards na lang po sa mga katropa nating siklistang pinoy dyan.hanggang sa muli po MABUHAY ANG SIKLISTANG PINOY!
THORVIC
Comment by victor — July 8, 2007 @ 8:20 pm
ThorVic,c Blann 2 hayaan mo pagbalik ko sa Pinas ikaw ang una kung pasyalan jan.Buksan mo ang website namin http://WWW.SIKLISTA-HOUSTON.ORG. nandoon ang mga pics namin diyan sa pinas at d2 sa Houston.Thanx uli,regards monalang ako kay Santy at Eking Domingo pag nagkita kayo.
Comment by Blann B.Caguioa — July 10, 2007 @ 1:20 pm
Victor, masaya ako at may blogsite ka na pala. hindi ka lang siklista, techie ka pa. Sana naman kung may panahon ka at mga army cyclists, makapasyal rin kayo dito sa TRADOC, Camp O’Donnell, Capas para mabigyan mo ng motivation at ma-encourage mo ung mga kapwa mo sundalong siklista. Paki-text mo lang ako para naman makahanda kami ng kahit kambing man lang. Pasyalan mo ang website ko sa http://ndojedajr.multiply.com at makikita mo yung kuha natin nung nagbike kami mula FSRR hanggang FMNE. Kumusta na lang sa family mo at more power.
Comment by Col Nic Ojeda — August 21, 2007 @ 8:38 pm
sir musta na po!Nakakatuwa naman at napasyalan nyo ung site ko, yan po kasi ngayon ang pinagkakaabalahan ko ngayon bukod sa pagbabike.Un nga lang sir minsan matagal din ako nde nakakapagnet kaya di rin makasagot sa mga comment dahil busy sa training.Me abroad po uli kami this coming september sa thailand po uli kaya lang this time sa road race naman ang karera namin.Sir sige po one time schedule po natin na makapamasyal kami dyan sa inyo.Maraming salamat po sa inyo sir!Godbless!
Comment by thorvic — August 23, 2007 @ 5:35 pm