The Victorious One

A Good Friday Reflection Drive in Rizal

Filed under: Point of View — Victor April 22, 2007 @ 2:24 am

It has been five years since I stopped riding my bike every Good Friday. It became a day off imposed by my wife and my mama. Nakakahinayang kasi masarap magbike during Holy week because of almost empty roads, pero para wala ng diskusyon, wag na lang. Para iwas disgrasya, mangilin daw muna ako. I obliged, ok lang din siguro yun, minsan lang naman humiling si misis. While almost all cyclists in the country were having their long rides and enjoying the empty roads, I am having a day off.

            I rarely have a day off. A day off my bike in a perfectly fine weather at wala akong sakit. Yung tipong kahit roller lang ay wala. It was really hard for me since this is the season all cyclist in our country are waiting for. This is our moment. Ang tayo ang maghari sa mga kalsada…..hehehe. Walang jeep, walang truck, walang taxi, ni tricycle wala. Pero, pati ako wala. Kakainggit man, but this became my yearly sacrifice, anyway I can ride as much as I wanted to, the rest of the year.  So, how will I spend the most of my day off. Para magkaroon ng much needed na katahimikan sa bahay sa panahon ng kwaresma, I decided to have a long drive with my wife and my son. My goal: finally introduce my wife and my son to my usual route in the province of Rizal. Yung ahon sa Teresa, yung long stretched of road in Jala-jala that seems to go on and on kapag laspag na laspag na, yung malakas na hangin sa pagitan ng mga bukid sa Halayhayin, ang mainit na sikat ng araw habang namumulikat na sa gutom at uhaw pero walang tindahan na mahintuan sa may Baras. The daily struggles a cyclist willingly undergo every day. Parang mga masokista na paulit-ulit na pinahihirapan ang sarili lalo na kung minalas-malas pa na masemplang. Ang mga siklista na malakas ang tiis. San man makarating, mag bike man sa gitna ng snow, o sa gitna ng disyerto, mahirap man huminga sa nipis ng hangin, ano man ang nasyon, all these for the love of our chosen sport. Ang sport na mahirap man o mayaman, si dok, si atty, si general, si senator o si manong na magdadyaryo, mensahero, magtitinapay, magsasaka, o matador ay sabay sabay na bumabaho at dumudungis sa mga byahe, at nagsasalo-salo sa pagkain sa tindahan ni Manang. Magkakakilala man o hindi, ay nagtutulungan pag nagkakaproblema sa daan, kahit pa nga na hindi naka bike ang siklista ay tumutulong sa kapwa siklista na nadisgrasya. The sport that binds us together. The sport that resembles  life, both its ups and downs.  Ang sport na unconsciously ay unang ginusto ng mga bata the moment a kid dreams and ask for a bike. I clearly remember how ecstatic I am when I had my first bike. At ngayon ang anak ko na laging nagyayayang huminto sa bike shop na nadadaanan. Tayo ang mga bata na d naoutgrow ang fulfillment and joy we had when we ride our bikes when we were still young. And I hope it keeps us young…… even at heart!
 

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment