The Victorious One

Bisikleta o Libro? At Ang Mga Pangarap Ko

Filed under: Point of View — Victor March 9, 2007 @ 3:20 am

 

Individual Time Trial Vietnam Sea Games

 

Sa mga recent posts sa PCN, thread ng pro-cycling result makikita ang dahilan ng pag sir ko sa lahat ng members. Ako ay nabibilang sa mga siklista na pinili ang cycling sa halip na mag-aral.Umabot ako ng 2nd year college ng mechanical engineering. Hindi ko na nakayanan tapusin dahil sa sobrang pagod mula sa pageensayo. Alam ko na marami ang kasali sa group na nalagay sa parehong sitwasyon at pinili ang mas logical na option na tapusin ang pagaaral, at sa kabutihan palad ay naging successful naman sa buhay. At ngayon, ay nagbibisekleta ng di dahil sa premyo, o para sumikat, kundi dahil talagang hilig at masaya ang pakiramdam sa pagbabike. Na malaking kaibahan sa karamihan ng mga professional cyclists. Na normal ng hindi nakatapos ng high school. Na ang kadalasan na nagiging trabaho ay magdyaryo, magmessenger, maglagarista, o magmekaniko ng bisikleta, mayroon din magsasaka, at kung papalarin ay sundalo, kung saan ako nabibilang. Halos lahat ay bread winner ng pamilya.
Ang kakulangan sa edukasyon na siguro ang nakikita kong pinakamalaking rason kung bakit ang karamihan ay nananahimik, nahihiya kundi man natatakot magreklamo, Dahil ang kulang sa aral mas kokonti ang pagpipilian, bukod pa sa dinaranas na diskriminasyon. Subalit, di ako sang-ayon sa ganito. Ilan beses na rin akong naloko ng mga taong may masamang intensyon, naiwan mag-isa, nabatikos at siniraan sa aking mga opisyal, hanggang sa  mas masaklap pa na mabenta, o d kaya ay akusahan nagpapakabayani ng mga kumpare at kaibigan sa gitna ng mga kontrobersya para sa kapakanan ng lahat. At sa lahat ng ito, hindi ako nabigyan ng pagkakataon magpaliwanag. Subalit inuunawa ko rin ang kanilang kalagayan, dahil sa hirap ng buhay at kahit paano ay kagustuhan kumita lalo pa at kung may pamilya na. Ang madalas na sagot sa akin ay, “kapit sa patalim, no eat na eh”. Hindi ko sila masisisi dahil ako ang ginawang pinakamagandang halimbawa. Aanhin ang lakas kung buburuhin ka. Tulad ngayon, wala man magsabi ay alam ko ang totoo na wala pa rin kasiguruhan ang aking pagbalik sa national team sa kabila ng aking performance. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa tour kung pati sarili kong mga kasama ay makakalaban ko pa. Mainit pa rin ako sa paningin ng iba.
Sa ngayon, wala naman akong pagsisisi sa ginawa kong desisyon na piliin ang cycling, Hindi ko maaring pagsisihan sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng sport. Marami man hirap at sakripisyo na idinulot sa akin, ngunit mas naging masarap ang tagumpay dahil sa mga pait. Ganun naman ang buhay. Simpleng tao lang po ako at hindi pinangarap na maging magarbo sa buhay. Napakalayo din sa totoo ang kwenta sa isang thread sa archives ng Philippine-Cycling. Subalit, masasabi ko na masaya ako. At higit sa lahat kaya ko maglakad ng taas noo at tumingin ng diretso kahit kanino. Hindi ko rin alam kung ano kaya ang buhay ko ngayon, kung ako ay nagpatuloy sa pagaaral at isa na sanang engineer.
Pero, alam ko na hindi pangmatagalan ang pagbabike. Ako ay nagkakaedad na. Laos na nga daw sabi ng iba. May mga pagkakataon na medyo napapagod na din ako at nais pang matulog sa umaga. Minsan, tinanong ako ni misis, “Ano pa ba ang gusto mo?”  Ang gusto ko? Ano pa nga ba ang gusto ko? Ang pinapangarap ko? Ang sana dumating ang panahon na magbabike ako ng di dahil kinakailangan ko. Ang kakarera ako di dahil sa premyo o para sumikat, kundi dahil talagang hilig at masaya ang pakiramdam ko pag ako ay nagbabike. Na sana balang araw, makapagtayo ako ng team. Na sana paglaki ng anak ko, may legacy akong maipagmamalaki nya at kung me makakilala sa kanya na anak ko pala sya, ay sasabihin na “ ah tatay mo pala si thorvic, ok yang tatay mo”. Dahil mahirap na sa araw-araw ay may sumusumpa syo dahil marami kang naagrabyadong tao.  Na sana pagnagretire ako, yung talagang desisyon ko at hindi dahil pinupwersa o sinisira ako. Na balang araw, kung tatawagin akong sir, sana ay di dahil sa kung may points man ako sa UCI o sa mga karerang napanalunan ko, mas ok sana kung dahil kahit paano may nagawa naman ako na nakatulong sa ikaaangat ng cycling lalo na ng mga siklista. Na sana mabawasan na ang nagsasabi sa mga siklista na, “Ang bobobo nyo!” o d kaya’y nagtataka na me lalim din pala ako….. hehehehe…… sana dumami na ang mga pro na nakapagtapos ng kolehiyo. At sana isa ako sa makabalik sa eskwela at maging titulado kahit na medyo damatans na tayo. Yan ang mga pinapangarap ko. Simple lang sana pero ginagawang kumplikado. Medyo mataas at ambisyoso siguro para sa iba. Pero ok lang, tinodohan ko na talaga. Libre naman ang mangarap di ba?
Sa blog na ito, madami sana akong nasagot na mga tanong at nabigyan ng liwanag. Mula mismo sa akin at hindi base sa mga tsismis lang. Hindi ako perpekto, hindi ako nagmamalinis, at lalong hindi nagpapakasanto. Alam ng mga malalapit sa akin na me toyo din ako. Nagdedesisyon ako base sa mga prinsipyo ko. At nagpapaliwanag ako dahil marami ng beses na dapat pero hindi ako nabigyan ng pagkakaton. Sa dulo, alam ko na iba-iba man ang ating mga opinyon, mga grupo,  o maging ng estado sa buhay, pero may pagkakaparepareho pa rin tayo. Pare-pareho tayo ng gusto na sana balang araw maayos na ang mga gusot at umunlad na sana ang ating sport na cycling. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.
            Kung darating ang panahon na sasabihin sa akin ng aking anak na gusto nyang magsiklista, isa lang ang isasagot ko : “Anak, magsabi ka sa mommy mo”. Hehehehe………………….
MABUHAY ANG SIKLISTANG PINOY!
LETS VOLT IN!

15 Comments »

  1. naibigan ko ang pananaw mo at prinsipyo sa buhay.hinde pa huli ang lahat pwedeng pwede ka pang mag-aral.ipagpatuloy mo ang iyong kabutihan. kung saan ka masaya suportahan taka. okey let’s volt in! :)

    Comment by rozel — March 9, 2007 @ 1:28 pm

  2. Sir Victor,

    Sa lahat talaga ng mga sikat, maraming nagsasalita ng negative. Wag mo na lang pansinin ang mga yun, ano ba meron sila na wala ka? Pera?

    Maraming taong maraming pera, pero, may nagawa ka na LAHAT sila hindi magagawa kahit bigyan mo sila ng altitude tent at saksakin natin ng EPO ang mga binti nila.

    God gave you a gift, and you are using it. That is what counts.

    Keep up the good work, you are already a legend in my book.

    Comment by Master Flahute — March 9, 2007 @ 1:45 pm

  3. bilib ako sa courage mo bossing. if i was gifted with your talent, i would have probably done the same. happiness is subjective and will differ from one person to another. saludo ang superstar roadies sa iyo. at pag dumating ang araw na cycling will retain its former glory, for sure, your name will be among those who we will all be grateful for.

    Comment by Edward Perlas — March 9, 2007 @ 1:48 pm

  4. even though i don’t know you personally, you’re a very humble person. seom of the local cyclists i know are cocky but i attribute it to an oevrsupply of hormones. you’re a humble champion.
    sana you can make a living from you’re exploits after you retire like what some pro athletes do.
    you’re still young to go back to school. i’m sure that with the right presentation, a lot of schools will be interested in having you in their campus.
    good luck.
    btw, i’d appreciatae it if you can narrate to us past races.
    thanks!!!

    Comment by jv araneta — March 9, 2007 @ 8:14 pm

  5. maraming salamat po sa lahat ng mga comment. nakakainspire ang malaman ko na may naniniwala pala sa mga ginagawa ko lalo pa na hindi ko po talaga kyo kakilala personally. ngayon i had the chance to explain at sobrang ok na po sa akin yun.maraming salamat sa lahat ng naniniwala pa sa akin, masaya ako na kahit medyo mainit may nakakaintindi pa din.
    Sana rin po it will become a habit to regularly check my site…
    malapit na po ang mga blogs and photos about my race, nutrition, and training

    Comment by victor — March 9, 2007 @ 10:00 pm

  6. ayos yan, nutrition and training behind the success of a champion! sigurado ka ba na i-po-post mo yan dito? baka dumami ang champion nyan! HAHAHAHA! :)

    Comment by rozel — March 9, 2007 @ 10:13 pm

  7. torvic, i share your hopes and dreams. Pangarap ko din na makatapos ng pag aaral ang asawa ko na kasamahan mo sa pamimisikleta.Hehehe. Pero syempre, i cannot push him to do something he doesn’t want to do and doesn’t even like to do in the first place. At kagaya mo rin, umaasa ako na maayos na ang gusot sa industriya ng pamimisikleta. Kung pamumunuan lang ng mga tao na ang tanging hangad ay umunlad at umangat ang cycling as sport ay siguradong magiging maganda at maayos ang lahat. Alam mo pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo (Pichay, ikaw ba yan?)Kidding aside, I am proud of you because you are VICTORious from your defeats and I salute you for courageously sharing to the people your hopes and dreams. Indeed, YOU ARE A TRUE LOVER OF CYCLING (in its truest sense).
    Mabuhay ka at mabuhay ang siklistang Pilipino!

    Comment by rem — March 10, 2007 @ 11:51 am

  8. i didn’t know that you are very articulate and malalim yong mga prinsipyo mo. with your commentary you are entitled to be called sir already although you are just 2nd year college. you are still young to be able to finish college.yah your blog gave you a chance to air your side which was not given to you by our cycling officials and let’s just hope there will be changes in our cycling organizations so that we can advance philippine cycling masyado na tayong kulelat sa asia pa lang. more power to you thorvic and you can count on me and our manila harbour center cycling club for support.

    Comment by raul — March 11, 2007 @ 5:42 am

  9. salamat po sa lahat. lumalakas lalo ang loob ko. medyo mahirap pala magmaintain ng blog and keep it updated pero sulit naman. kahit nakakagulat may lalim na nga. naturete na yata ke kikay…heheehe. She and aj are convincing me to go back to school. Sana pag medyo maluwag na makabalik na ulit.
    mas maigi at sana makatulong sa ibang mga siklista ang future post about nutrition and training. sana nga madami pa magchampion lalo yung sa juniors kasi lumalakas na talaga mga kapitbahay natin south east asian. try ko din upload stats ko. at iba pang helpful info na nakuha ko sa mga prof sa up. walang sawang thank you din sa kanila sa libreng consultation

    Comment by victor — March 11, 2007 @ 12:46 pm

  10. master, you don’t have to post your training schedule. alam namin na dapat secret yan HEHE. But, if you provide for a Q&A portion where us mere mortals can get training tips from you, that would be awesome!

    Keep up the good work!

    Comment by Master Flahute — March 12, 2007 @ 8:45 am

  11. thorvic,
    astig ka pre! kaw lng ang tour champion na naka blog at pwede namin ma interact virtually. sana makita ka namin ulit in your competitive best. actually tama naging desisyon mo at piliin ang bike. i even remember phil ligget saying “He’s a great bike rider and could rival riders from europe! on the climbs and TT (tapos summplang ka at c wong kam po nag champion). keep it up dude! give them hell.

    Comment by iphex — March 13, 2007 @ 3:26 pm

  12. kuya victor! astig ung blog mo! grabe! haha! kanila lang kasama kita sa ensayo! haha..sabi ko na nga ba kakalas ako eh. hehe. lakas mo tlga! hehe..

    i would like to thank you for all the advices you gave me. thank you for listening to my stories about my training with the national team and my life college life. you’re great champion and will always be a champion to us all. hope to train with you again sometime. (at sana hindi na ako kumalas…hehe!) good luck and more power to your career! text-text na lang po…ingat!

    Comment by Saul Anthony "pao chao" Sibayan — March 29, 2007 @ 4:29 pm

  13. Sorry if I prefer to write in english as I’m comfortable expressing myself in this language.

    I started to know you thru JV araneta of Cebucycling.com, as I’m always looking for something to motivate me to ride. I’m a late starter at 43 y/o (now 47) to get serious in cycling. But I love the sport.

    Reading your writings really made me impressed more about yourself. Your honest words seriously inspired me. I dont have any ambition to be a great cyclist like you but getting motivated from your inspiring words is enough to motivate me to be a better cyclist.

    thanks, and more power to you!!!
    AL Figer
    New Jersey

    Comment by Al Figer — May 21, 2007 @ 4:06 pm

  14. uummm….matagal na rin alang bagong comments a…sana mabasa pa ito..musta na bro? di mo siguro kilala pangalan pero pag nakit mo ako,makikilala mo rin…siempre taga pangasinan e…:)) bro kung seryoso ka na bumalik sa pag-aaral, napakagandang plano nyan..pero siempre may hirap na katapat yan, pero kung determinado ka.. alam mo na yun!:) pag nagkita tayo baka matulungan kita sa pagbabalik eskwela..pero dito sa pangasinan ang eskwelahan ha….:)) tamang tama dami rin ka ensayo dito..hehe!

    Comment by jojo — December 3, 2007 @ 11:10 am

  15. d pa huli para bumalik ka sa eskela. nakatapos ako ng kursong bsee pero nagcycling parin ako. hilig eh …. gumagawa ng paraan para naisingit ang training, kahit malamig dito (chicago) labas parin para mag training … kahit d nananalo sa karera, karera parin ng karera … hilig eh…..isipin mo nalang na maraming humahanga sa yo mga titulado at mayayaman, iniidolo ka nila ……pinili ko ang sports na cycling dahil sa mga tulad mo …. mabababa ang loob. isipin mo nalang “inggit lang sia kaya ka nila knakalaban” , tuloy mo lang ang ginagawa mo maraming sumosoporta at naniniwala sa iyo, pagka retire mo saka mo malalaman kung sino ang tunay na mga kaibigan mo.

    Comment by rommel — January 28, 2008 @ 8:58 am

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment